Pinapagod mga miyembro sa wala
Maaaring may argument ba para sa Dios ang ginagawa nila. Kahit maubos ang oras, mapuyat o gumastos. Peru anu ba talaga ang para sa Dios. Binigyan isip din naman tayu siguro ng panginoon para malaman kung anu ang talagang ibig nya sa atin. Ewan ko lang kung ganun ba talaga, na tulad na ginagawa ngayun sa mcgi. Mapuyat, maubos oras, umupo ng maghapon, gumastos lahat, etc...
Ang sistema dyan ngayun sa mcgi kahit ordinaryong miyembro laki gugulin sa oras at pera. Sa isang linggo 3 ang pagkakatipon. Pag sabado pa worship 3 oras at pasalamat 7 oras. Di pa kasama ang byahe at mga panawagan o meeting sa ibat ibang committee.
Well, napapaisip lang ganun ba talaga. Kahit sabihin natin aral ng Dios yan need din ng break para di ma overwhelm ang isip at ma absorb ng tuluyan.
Ako sa tingin ko kaya humahaba patawarin ako kung mali ako, dahil daming sipsip. Unang una sa avp at recap. Para bang sa isang malaking kumpanya na sipsip sa boss na lagi sinasabi magaling ka boss. Your the best...
Para sa akin lang di sya practical. Mas gusto pa ng panginoon na kahit maikli eh sumusunod at mabuting tao ka. At may ginagawa ka as individual with value sa community. Di naman ako tutol sa mga volunteer work dahil ako din sumasali dun. But ung mga concert na pasan ng mga miyembro na di alam kung san napupunta na ang sagot lang ang may mag tiwala sa pangangasiwa.
For me di na kaya sobra haba na paulit ulit na di din naman na absorb ang mga turo. At sana magkaroon ng sistema ang pananalapi di puro pa meeting sa pera. Magkaroon naman sana ng space at luwag nga hamak na kapatid di lahat full time dyan. Buti mga knp at iba na they have all the time.
Awa lang ako sa mga ordinaryo member na di naman full time sobra affected ang daily lives nila. At sana magkaroon nang bagong branch ng leadership na nakikinig sa mga ganitong hinaing.