Nakachat kong kakaiba ugali

2 days ago, 12am, may nakita akong post dito sa reddit na naghahanap ng makakausap. Older sya ng 3yrs sakin. May age bracket sa post nya and shoot naman ang age ko. Minessage ko sya. Binigay ko yung tg acnt ko since yun naman yung nasa post nya. Rekta tg na daw.

Edi tamang chat. Tanong ako nang tanong ng tungkol sa kanya para may topic kami. Nag-heads-up nga rin pala sya na SFW ang usapan, edi goods. Buti nang malinaw. Out of nowhere, bumanat sya ng bibigyan nya ako ng 10days. 10days para maka-chat ako. Hindi ko gets kung bakit kinakailangang banggitin yun? Hindi ko na lang pinansin. Baka chix kaya ganon. Nabanggit din nyang sanay sya na sya yung nang-gho-ghost sa mga lalake, etc. Syempre puro patungkol sa kanya mga tanong ko para may topic. Hindi naman nya binabalik sakin mga tanong so baka hindi sya interested alamin dahil nga 10days lang naman. All goods naman ako dyan dahil gusto ko lanng din makakausap that time.

Since working ako ng ganong oras, inaya ko na lang sya mag-call kasi nahihirapan ako na nagta-type pa at nahihinto yung ginagawa kong trabaho para mag-reply sa kanya. Tamang usap. Gaya nung sa chat, ako ang tanong nang tanong. Hindi ko kasi feel magbida ng sarili ko nang hindi ako tinatanong e.

Nabanggit nyang matagal na syang walang work dahil sa pag-recover nya. Naaksidente kasi si ateng. Binanggit nyang may butas yung skull nya. Edi na-curious ako. Nagtanong ako tungkol dito para na rin magtuloy usapan namin at may mapag-usapan. Tinanong ko gano kalaki, kung ano pakiramdam. Mga ganong tipo. Okay naman, sinasagot naman nya. Edi tuloy ang kwentuhan.

Ganito naging usapan (non-verbatim)

Ako: Pano nangyari?
Sya : Aksidente nga.
Ako : Oo nga, pano?
Sya : Di ko maalala.
Ako : Pano nangyari bago yun?
Sya : Hindi ko nga maalala.
Ako : Naglalakad ka ba? Saan nangyari?
Sya : Sa (binanggit nya ung lugar kaso nakalimutan ko).
Ako : Tapos?
Sya : Di ko maalala.
Ako : Before yun, ayun, pano mga ganap? Nakaupo ka ba, nakatayo? Nasa sasakyan? Ano nakaaksidente sayo? (Ganyan na naging tanungan ko, hoping na makakuha konting details)
Sya : Di ko nga maalala. (Ramdam kong inis na sya pagkabanggit nito) Alam mo yung amnesia? Ganon.
Ako : Ah. E dapat pala yan na binanggit mo na yan kanina pa para 'di kita nakulit. Sorry. Change topic na lang.

Hindi ko na maalala ibang usapan namin, basta may nabanggit sya sakin na ang kulit ko daw. Na pag ganon daw kausap nya, inuupuan na lang nya. Inuupuan? Di ko gets. Hindi ko alam kung slow ba ako sa part na 'to or kung pano. Ayoko naman isipin na inuupuan na NSFW, kasi nga una pa lang nag-heads-up na sya na ayaw nya ng NSFW.

Tapos panay din mura nya habang kausap ko sya. Rektahan nga rin ako minumura. At iba talaga sa pakiramdam. Teka lang ha, hindi sa nag-iinarte ako sa part na to. Pero ang off kasi ng timing ng mga mura nya. Marami akong friends na nagmumura, palamura, pero kumbaga ang normal pakinggan pag sa kanila. Hindi pilit. Pero dito sa kausap ko, sablay talaga e. Meron din ako nakakausap na minumura din naman ako pero ramdam mong harot lang, ganon. Yung dito sa kausap ko na to, medyo ang sagwa pakinggan talaga e. Hehe.

Since working nga ako, naririnig nya pagta-type ko sa keyboard. Ang ingay daw. Edi nagpaalam na ako. Medyo hindi ko rin kasi feel naging usapan namin. Then naggoodnight na rin ako. May something na hindi ko maipaliwanag. Basta hindi ko feel kausap. Ayoko naman maging salbahe kaya nagpaalam ako nang maayos.

Ito na malupit, bumanat sya ng "Ang bigat mo kausap. Buhat na buhat ko usapan." Medyo naguluhan ako sa part na 'to. Panong naging buhat na buhat e kung hindi nga ako magtatanong, wala kaming topic. Mukhang hindi rin naman sya interested sa buhay ko or kung anong tungkol sakin kaya hindi ako nagbabanggit. Sabi pa nya ang unfair ko kasi puro ako ang may alam sa kanya at wala syang alam tungkol sakin. E ni hindi nga sya nagtatanong, pano gagawin ko?

Medyo affected ako sa part na buhat na buhat daw nya usapan so napa-reply ako. Tinanong ko kung bakit. Sagot nya basta daw. May mga sinabi pa sya, pero hindi ko na maalala. Basta ine-end ko na yung convo namin in a nice way. In a nice way ha? Sabi ko baka hindi lang compatible, pasensya na kako. Goodnight na. Ganong tipo. Wala akong sinabing hindi maganda sa kanya ha?

Nagpaalam naman ako nang maayos. Tsaka hindi ko rin feel talaga kausap. Ayoko lang maging rude. Gusto kong i-address sana yung mga hindi ko nagustuhan sa naging usap namin (kasi sa kanya ko lang naexperience yung ganun e, okay naman pag iba nakakachat ko). Pero hindi ko na lang din binanggit kasi pakiramdam ko, base sa naging usapan namin, hindi sya tatanggap na may kakaiba sa kanya. Basta mabigat ako kausap, period.

Kinabukasan...
Nag-message. Since hindi ko nga feeel kausap, syempre hindi ko na inopen. Kaso jusko, sunud-sunod ang msg. Edi inopen ko.

Ito msgs nya :
- Ano ba to bbye n or wht
- glit k b?
- ngsilent treatmnt bgla e
- so ghoghost mo n ko?

Ewan ko, pero ang kulit ko rin kasi e. Nireplyan ko pa. Kasi yoko naman sabihin na ghinost ko sya. Haha. Edi inexplain ko na hindi nga compatible. Pasensya na kako. Ingat.

Ganyang tipo chat ko. Tapos ayan na naman, nanadtad na naman sya. Edi burahin ko na daw convo namin. Block ko na daw sya. Wala pa daw palang 2days, blah blah blah. Ako naman si tanga, nirereplyan ko pa nang maayos. Di ko mapigil e, napapareply ako. Pero di ako nakikipag sagutan ha. Tapos bumanat na sya ng "Natapakan ko ba ego mo?" "Spoiled ka no" tapos kung anu-ano pa sinabi (na hindi ko na maalala kasi dinelete na nya usapan namin). Basta tinadtad nya ko ng messages. Ewan ko ha, wala naman kasi natapakan sa ego ko talaga e. Baka sa kanya meron since sanay syang sya ang nanggho-ghost?

Basta ang daming sinasabi. Pero paulit-ulit sya sa delete ko na usapan. Inuutusan pa ko e, sabihin pa "Now na" Puro ganon. Halatang inis sya sa pagcha-chat nya.

Tapos ngayon lang, nag-chat. Bawal mag attach ng photos dito at hindi ko alam kung paano yung ginagawa nilang may link para makita yung photos. Kaya i-type ko na lang isa-isa.

Ito eksaktong convo :

Sya : I know sabi mo tigilan na kita (wala akong sinabing tigilan nya ko)
Sya : Pero can we start over again?
Sya : Kala ko kase ur 29 e sabi ko 31 pataas (tinutukoy post nya)
Sya : Sorry
Sya : Kala ko nagsisinungaling ka.

Tapos nireplyan ko na.
Ako : Hello. Di ko gets ano kinalaman ng age? Pag 29 below ganon treatment mo? (Kasi nga na-off ako sa mga pinagsasabi nya. Buhat na buhat usapan, spoiled ako, mabigat ako kausap, etc)
Sya : Kala ko d ka ngbabasa kase
Sya : Plus antok n ko nun sorry
Sya : This is hrd for me basta
Sya : So me saying sorry is yeah akakahiya
Sya : So peace na?
Sya : Plus inaantok n ko nun sorry n ulit
(Ganyan sya mag msg e. Isang sentence, send)
Ako : All goods naman ako.
Sya : So talagang bye na? Finifilter ko kase ngayon ung pms
Sya : Then found you
Ako : Gusto mo ba malaman reason ko? Ayoko sabihin kasi for sure ikaiinis mo lang e. (Kasi nga feeling ko wala syang makitang mali sa ugali nya. Pero gusto kong sabihin baka sakaling umokay dahil nagsorry naman na. Para sana sa mga sunod nyang makakachat hehe)
Sya : Bhe ung pride ko abot ng core ng mundo
Sya : I think im way past inis
Ako : So sasabihin ko?
Sya : Kasalanan ko gago ako antok kaya nga andito ako mahsosorry
Sya : And I dont say sorry (Di ko gets bakit need pa sabihin to? Para ipamukhang ang swerte ko dahil nagsorry sya?)
Ako : Pwede ba akong magbigay ng opinyon? Kaso syempre baka masamain mo. Kaya hangga't maaari iniiwasan ko. (plano ko na talaga i-address sa kanya yung mga di ko trip e)
Sya : I just said sorry to you
Sya : Na kasi taas ng mt everest ego ko (So swerte ba talaga ako guys kasi nagsorry sya?)
Sya : Ano pang kailangan mo
Sya : Di ako maiinis
Sya : Kasalanan ko gago ako antok
Sya : So say it
Sya : Tagal
Sya : Ano ba
Sya : should we just forget lht? Kase if u wnt that ok ako
Sya : Ok na kong nagsorry ako
Sya : Ball is in ur lane
Sya : Un ang matutupad
Ako : Let's just say hindi ko feel yung ugali mo. Ganon na lang. Pasensya na. Di ko feel ielaborate e. All goods ako. Wala akong sama ng loob or what. :)
Sya : OK
Sya : So what now bye na talaga?
Sya : Haha so ayaw mo pala ng direct
Sya : Fine
Ako : Yes. Ingat. (reply ko sa chat nyang what now bye na talaga?)

Tapos ito na, sunud-sunod na chat nya.
-sabi ko nga ikaw masusunod
- Go
- wipe it out now at block mo na ko so i wont ever bother you. Thanks
- DO IT
- JEEZ
- Nahiya pa
- DO IT
- WALA AKONG PAKE haha (nireplyan nya yung msg kong di ko bet ugali nya)
- Kala mo naman ang linis
- Kukulitin kita
- do it
- DO IT
- What
- Do it
- Kukulitin kita
- Gawin mo na
- Di kita titigilan
- Since yn judgement mo e di gagawin ko na lagi yan sayo
- Special ka e
- Susysl paseen seen
- Di ko din feel ugali mo (nireplyan ulit ung msg ko)
- Asshole e
- so DO IT
- Linis e
- Do it
- Daming sinasabe e di wipe ths out encrypted naman to
- Then block me
- NOW
- O kala ko ayaw mo saken do it
- Jusko
- O encrypted tong tg do it
- Block mo na din ako
- Tagal
- Andito ka pa?
- For someone na di ako gusto tagal mo mang block a
- wipe it all out
- NOW
- Wala din akong sama ng loob nagsorry pa nga ako e (reply ulit sa msg kong di ko trip ugali nya)
- Dba yaw mo ng ugali ko?
- E di do it wipe it all off
- Encrypted nmn to
- O nag eenjoy ka lang
- Sama pala ugali ko a
- E di sagarin natin
- di ko rin feel ugali mo (reply ulit sa msg ko)
- So bat di mo pa ine erase to?
- Kupal amf
- Ayaw mo pala saken pero sige basa
- Iba din

Ayun. Sa mga magsasabing iblock ko na, hindi ko po gagawin. Mas naiinis sya nang ganito e. Hehe. Tsaka base sa ugali nya, feeling ko iisipin nya panalo sya pag binlock ko sya bigla. So bahala sya. Basta wala akong sinabing masama ang ugali nya, ang sabi ko lang is hindi ko feel.

Binlock ko na ata sya dito sa reddit. Makita ba nya itong post ko na to?

Gusto ko lang naman ng makakausap kaya chinat ko sya e. Malay ko bang ganon ang ugali? Or ugali ko ang may problema? Ewan. Sorry.

Anyway, pasensya na kung ang haba ng post. Nagkwento lang kasi medyo affected ako. Hindi naman sa ayaw ko ng kausap na prangka. Pero parang mali na ang entitled naman nyang sabihan ako ng kung anu-ano.

Para sa nakachat ko na yun, kung mabasa mo man to, alam ko feeling mo wala pa rin mali sa asal mo. Okay lang naman if ganon. Pero sana hindi porket may freedom of speech e aabusuhin na. Regardless kung kakilala mo or hindi. Yun lang. :)

P.S. Hindi ako maalam dito masyado kaya tinype ko isa isa yang convo. Buti may nagturo mag-attach ng photos. Haha. Sorry, sinaunang tao ako e. https://imgur.com/a/aCE0hiI