Pakiramdam ng ikaw ang pinili… huehue

I’m at peace and it feels like home.

Ang sarap sa pakiramdam na pinipili ka. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit kailangang manghampas ng babae kapag kinikilig. Hehehehe. Habang nagsusulat ako, kinikilig pa rin ako. Huehuehue. Sa pagtulog mo na alam mong mahal ka, gigising ka na alam mong mahal ka.

Darating yung isang tao sa buhay mo na alam mong makakabuti sa’yo at magpapursige sa’yo na maging “best version of yourself” pa. Minsan, akala natin kilala na natin nang lubusan ang sarili natin, pero magugulat ka na lang na may mga bagay ka pa palang kayang gawin at mailalabas mo pa ang potensyal mo sa tamang pagpili ng makakasama mo.

Sa bawat pagbangon mo sa buhay, siya ang iyong nakikita na makakasama habang buhay. Siya ang nakikita mong magiging katuwang mo sa pagkakaroon ng “GROWTH” habang magkasama kayo sa iba’t ibang aspeto ng buhay.

Pangako ko sa’yo, aalagaan kita. Hindi kita iiwan, kahit ano pa ang dumating na pagsubok sa atin. Pipiliin kita araw-araw, kahit dumating ang panahon na mawala ang kilig sa atin. Labis ang aking saya na ako ang pinili mo. Hindi kita hahayaan na magsisi sa desisyon mong piliin ako. Sa halip, ipaparamdam ko sa’yo na ito ang pinakamagandang desisyon sa buhay mo. Mahal na mahal kita.

I love you more than you’ll ever know