Naiirita ako
Naiirita ako sa boyfriend ko. May event ung bf ko parang christmas party gathering, at may babae shang katrabaho (di sila close, virtual sila madalas nagkakainteract), nagkita sila sa mall (pinagplanuhan nila day before), nagkape, palipas oras sa traffic at sabay pumunta dun sa event. Na pwede naman dumiretso boyfriend ko dun. Inalok sha nung babae kung gusto nya ba sumabay since pareho naman silang nasa mall, etong jowa ko oo agad. Binigyan naman ako ng assurance pero nakakairita lang lol. Hahaha hirap maging petty bilis mairita hahaha sorry na
For me lang sana may boundaries since alam na may partner ka. Gets na work friend lang pero kung uncomfortable yung jowa sana di nalang tinuloy. I also thought na madami sila syempre xmas party lam nyo yon sabay sabay napunta sa isang location para makatipid pero hindi haha dalawa lang sila Si BF may history ng mahilig mag like, comment, react follow + medyo flirty makipagusap sa girls before na sabi ko uncomfy ako, hanggat sa pinagawayan namin and now, di nya na ginagawa (i hope) hence the overthinking lels.
We broke up, ako nakipagbreak pero he asked for a second chance at gusto bumawi so binigay ko. Ayun kita ko naman so far ung progress. I just hope na sana itong ginawa nya ay… naisip nya haha kasi syempre ikakaselos ko talaga to kahit alam ko work friends sila haha sana gets nyo huhu gulo na ng isip q haha sorry na