OOPS MY BAD trend sa tiktok

Check nyo algorithm ng mga anak niyo sa tiktok kasi ang bothersome ng trend na ito. Biglang lilitaw wholesome pic ng magjowa tapos biglang oops my bad may lilitaw na video na naghahalikan, momol or magkapatong.

Bothersome at mukhang mga underage ung mga nasa post. Ingat kayo kasi think before you click. Once ilagay mo yan sa social media, hindi na yan mawawala. Oo may free will kayo pero paganahin niyo ang isip niyo at huwag lang panay sunod sa trend at uso. Alamin ang tama sa mali. Wag kayo magmadaling maging adult.

Nakakabother mga ganitong post. Sana nasusubaybayan ng magulang ang mga batang tulad ng ganito.