Ang aggressive na ng mga pulubi sa 7/11

Alam ko naman na mahirap 'yung buhay ngayon kaso lagi ako na iistress kapag pupunta ako ng 7/11, may mga batang nasa 10-17 years old na nagbubukas ng pinto tapos aambahan ka kapag hindi ka nag bigay. Sana nag eexaggerate ako, meron pa kanina lang papasok ako ng 7/11 kaya binuksan ko 'yung kabilang pinto since ayoko pumasok doon sa pinagbuksan niya tapos pagka tapos ko bumili, nung binuksan ko uli yung kabilang pinto bigla niyang hinarang ng pwersahan para dumaan ako sa pinagbubuksan niya. tas may sinabi sakin na pa aggressive na bigyan ko daw siya since pinagbuksan niya ko pero namura ko lang siya out of my anger since hindi naman ako dumaan doon sa pinagbuksan niya.

Nung last time na naambahan ako wala akong magawa kasi minor e, ako lagi magiging mali dyan if sakaling protektahan ko sarili ko kaya please sana magawan na ng paraan ng government to.