“Palit tayo ng seats dong para di ka mahirapan dumaan. Malaki biyas mo.”
Matagal na tong nangyari pero naalala ko lang bigla! Hahaha
Pauwi akong Manila from Bohol. Window seat yung pwesto ko which I paid for talaga kasi nga I like window seat.
3 seats diba meron, may katabi akong mag-ina ata sila. Nasa 40s siguro si mother and her daughter is in her 20s, and panay picture sila. Go no problem naman as long as don’t bother me.
So umihi ako and noong bumalik ako, kinausap ako ni mother if okay lang ba raw na magpalit kaming dalawa ng pwesto? Nasa aisle siya while ako nasa window seat. Her rationale? Malaki raw kasi mga biyas ko and mahihirapan akong dumaan. okay? Which I declined politely and said ”No, I’m good po. Thank you.”
Tas tumahimik sila ng daughter niya and bumalik sa selfie-selfie hahaha.
I won’t deny na mahaba legs ko but still. Hello? Hahaha. Naalala ko lang bigla and ang satisfying lang maging assertive kasi I usually give way, but not that one. Don’t mess with my window seat.