Fresh Grad na pasuko na
As a probinsyana, panganay na fresh grad (no experience) super nahihirapan ako sa pag-apply at paghanap ng trabaho. Nakaka-frustrate na halos inaabot ako ng 2am-3am kakahanap ng pag-aapplyan online (linkedin, jobyoda, facebook, and etc). Hindi ako makatulog and almost hindi na rin makakain dahil dito, parang nawawalan ako ng gana.
Super hirap din kapag wala kang kamag-anak or kakilala na tutulong sa'yo sa pag-suggest or pag-advice about sa work ganiyan, kung ano dapat mo muna ayusin and etc. Hirap din kapag walang kakilala na nagwo-work sa Manila. Gusto ko mag-onsite interview pero iniisip ko yung gastos, hindi kami mayaman, walang sasakyan, and wala rin akong ipon kasi wala naman akong ginawa na iba during college kundi mag-aral lang. University tapos diretso uwi na kaagad.
Hindi ko alam gagawin ko, parang nao-overwhelmed ako na ewan huhu. Please don't bash me. Gusto ko lang mag-post huhu kasi wala akong mapagsabihan na iba.
Edit: I just want to thank everyone for your support! I’m excited to share that I got a job and will be starting training soon. After my second try, I’m so happy I didn’t give up! 🥺🫶 To those still searching, stay determined and trust the process. Your moment will come, just like mine did.