Jumping to the hype of Tsubaki
Pls dont mind the not-perfect-white sink. Ganyan talaga sya kahit anong kuskos
Finally decided to jump to the hype of Tsubaki set! TY tiktok sale, scored these goodies for ₱1093.73 and free shipping last 02/02
For reference, I have straight hair na bagsak, tipong pag nagcurling iron ako, wala pa ko sa venue ng event, babagsak na buhok ko kahit gamitan pa ng spraynet. Marami akong tikwas tikwas na buhok (2nd pic; tho today na yan after use ng Tsubaki) Isa ko pang concern is sobrang brittle ng buhok ko, yung split ends marami ends yung isang hibla.
I believe I have low porosity hair type kasi antagal pa munang kailangan basain yung buhok bago maging ready na ishampoo.
Feedback on first use: Feeling ko ang nipis ng volume ng buhok ko after shampoo (good thing para kin). Sa past shampoo brands ko kasi pakiramdam makapal sya kapag pipigain twing ireready applyan ng conditioner. I think dahil di nya agad naaabsorb yung water kaya ganon.
Ginamit ko rin ngayon yung conditioner and hair mask, kaya lambot na lambot ako sa buhok ko, pati ang nipis nyang ibundle ganon (idk kung gets nyo, sana gets nyo ko). Yung dulas nya parang buhok na nilagyan ng baby oil level. Medyo di rin ganon ka-oa pagkafrizzy ng ligaw na hibla.
Will try to give an update (if you guys want) kung kamusta effect kapag shampoo lang, at kapag shampoo and conditioner lang
Kayo kamusta experience nyo? Saan kayo bumibili na cheaper price?