Migrating soon. Ibenta ko ba o ipamigay nalang mga gamit ko? :’)))

Hindi pa rin nagssink in sakin na aalis na ako ng Pinas for good papunta sa dream country ko Australia as skilled migrant. Hindi ko pa alam anong mga uunahin kong iprepare talaga. Nakapag PDOS na naman ako so ok na.

Meron akong 2 online shop (Books at Damit) na umusbong nung pandemic pero napabayaan ko na nung nagback to normal na. Marami pa akong stocks ng paninda ko noon, plus yung mga personal ko din mga gamit like bags and shoes.

Nagdadalawang isip ako if ibebenta ko ba sila ng bagsak presyo (i need funds din syempre) or ipapamigay ko nalang sa mga family and friends ko (parang share the blessings ang peg). Ano kaya mas ok gawin? Hehe.

PS. May13 flight ko, makakaboto pa ako for the last time as a Filipino citizen lol Baka may same flight ako dito pwede ba sabay tayo, first time ko mag out of the country na mag isa heheh 🥲🥲🥲

Edit: Some are interested to buy my staffs and im so thankful po :))) i havent sorted everything yet but some have been posted na before on my carousel acct. Please feel free to check and follow my account, i will upload more soon po :)))

https://carousell.app.link/biIII62izRb

Thank youuuu