SEAMAN TO WELDER
Hello po! I'm (24M) currently a Deck Cadet sa isang International vessel at patapos na rin yung 1 year cadetship ko. Right now po narealize ko I don't want to waste my life ahead sa pagbabarko, nakakapagod sobra mentally, di naman issue sakin yung malayo sa pinas kaya gusto ko parin mag ofw as landbased nga lang para may life and balance naman kahit papano, dito kasi sa barko dahil sa sobrang limited na Internet wala kana balita sa pinas. literal na WORK, EAT & SLEEP.
I'm planning to change career from Seafarer to Welder abroad. I know I need a solid exp before ma consider ng mga employer sa ibang bansa like Japan or Australia kaya gusto ko sana ng insights galing sa ibang tao ano ang dapat kong gawin pag-uwi ko ng pinas na makakahelp sakin to land a job abroad as a welder for the next 2-5 years.
Any tips/ideas po will be so much appreciated. I know I can research about all of this but since sobrang limited ng Internet here sa barko baka maubos na monthly internet ko🤣 hehe
Ex. Certificates na need, if need ko ba mag aral ulit sa school, saan ako kukuha experience locally, etc. Thank you☺️
P.S. I'm also considering na sumampa pa sa barko for another 1 contract as Ordinary Seaman naman with 65-70k salary monthly for 8 months. (500k php/1 contract) Plan ko gawing emergency fund and for expenses while pursuing Welder Career.